Paano ilagay ang iyong lokasyon
Bago magpareserba, posibleng alamin ng mga bisita kung gaano kalapit ang tuluyan mo sa mga lugar na pinaplano nilang puntahan.
Puwede kang magpasyang magbigay ng tinataya o eksaktong lokasyon para sa mapang ipinapakita sa mga resulta ng paghahanap. Alinman ang piliin mo, hindi malalaman ng mga bisita ang address ng kalye hangga't hindi nakukumpirma ang reserbasyon nila.
Paano ilagay ang iyong lokasyon
1. Ilagay ang address ng kalye mo. Magsimulang mag‑type at piliin ang tamang address paglabas nito.
2. Kumpirmahin ang address mo. Ayusin ang mga detalye para maging tumpak, tulad ng paglalagay ng numero ng apartment o suite.
3. Siguruhing nasa tamang puwesto ang pin. Kung nasa maling puwesto ang pin, i‑drag ang mapa hanggang sa tumapat iyon sa tamang lokasyon.
4. Pumili ng mapa. Isasama sa listing mo ang mapa ng tinatayang lokasyon ng lugar mo maliban na lang kung pipiliin mong ipakita ang eksaktong lokasyon.
- Ipinapakita sa mapa ng tinatayang lokasyon ang radius sa paligid ng patuluyan mo sa loob ng humigit‑kumulang kalahating milya (wala pang isang kilometro) mula sa mismong address.
- Sa mapa ng eksaktong lokasyon, makakakita ng pin na nakaturo sa pinakamalapit na mga kalsada nang hindi minamarkahan ang mismong lokasyon.
Suriing mabuti ang impormasyon at iwasto ang anumang mali bago magpatuloy sa susunod na hakbang. Kapag nakumpirma na ang una mong booking, hindi ka na makakagawa ng mga pagbabago nang hindi nakikipag‑ugnayan sa Airbnb Support.
