Tumulong na gawing bukod‑tangi ang listing ng host

Magtuon sa mga litrato, paglalarawan ng listing, at presyo.
Ni Airbnb noong Okt 16, 2024
Na-update noong Mar 3, 2025

Ibahagi ang kaalamang natutunan mo sa pagho‑host para makagawa ng magandang listing. Makipagtulungan sa host para gumawa ng bagong listing o mag‑update ng nagawa nang listing.

Karaniwang pinagtutuunan ng mga bisita ang mga litrato, paglalarawan, at mga review ng bisita sa listing kapag nagpapasya kung magbu‑book.* Pagtuunan ang mga salik na iyon, ang mga amenidad, at ang presyo para matulungang magtagumpay ang listing.

Mga litrato

Ayon sa pananaliksik sa user, isa sa pinakamahahalagang salik ng pagpili ng mga bisita ng ibu‑book na listing ang magagandang litrato. Kung walang bagong propesyonal na litrato ng patuluyan ang isang host, ipaliwanag ang kahalagahan ng mga litrato at magmungkahi ng photographer o irekomenda ang programang propesyonal na photography ng Airbnb.

Paglalarawan ng listing

Dapat maunawaan ng mga host na isa ang paglalarawan sa pinakamahahalagang aspeto ng magandang listing. Ayon kay Jimmy na co‑host sa Palm Springs, California, “puwedeng mapahusay ang anumang paglalarawan ng listing,” kaya palagi niyang iniaalok na tulungan ang mga host na magsulat nito.

“Binibiyang‑diin ko ang mga katunayan,” sabi ni Jimmy. “Kung may saltwater pool ka, isaad mo iyon. Pribado man o hindi ang komunidad, isaad mo iyon. Maraming pang‑uri na tumutukoy sa pakiramdam. Masyado iyong personal at hindi nagbibigay ng tumpak na paglalarawan. Magiging malinaw ang lahat kapag katunayan ang isinulat.”

Mga amenidad

Madalas i‑filter ng mga bisita ang mga resulta para makahanap ng mga listing na may mga amenidad na gusto nila. Kasama sa mga pinakamadalas hanaping amenidad ang pool, wifi, libreng paradahan, hot tub, air conditioning, washer, at sariling pag‑check in.**

Pag‑isipan ang naging epektibo sa mga listing na na‑host mo na at ibahagi ang kaalamang ito sa mga host. Posibleng kabilang dito ang:

  • Pagsigurong nakasaad sa listing ang lahat ng amenidad na iniaalok nila
  • Pagpapaliwanag sa kagandahan ng pagdaragdag o pag‑upgrade ng mga amenidad tulad ng wifi o smart lock
  • Pagbibigay ng mga halimbawa ng naging reaksyon ng mga bisita sa mga upgrade sa ibang listing na pinapangasiwaan mo
  • Pagsuri sa mga pangkaligtasang feature at accessibility feature kasama ng mga host para alamin kung ano pa ang maidaragdag nila sa listing nila

Diskarte sa presyo

Posibleng walang karanasan sa pagtatakda ng presyo ang mga host. Puwede mong gamitin ang kadalubhasaan mo bilang lokal at ang mga tool para sa pagtatakda ng presyo ng Airbnb bilang gabay. Puwedeng isama sa mga diskarte ang:

  • Pagtatakda ng lingguhan o buwanang diskuwento
  • Pagbababa o pag‑aalis ng bayarin sa paglilinis o para sa mga alagang hayop
  • Pagsasaayos ng presyo kada gabi batay sa demand ayon sa panahon

Magtulungan sa pagpili ng diskarte at pagpapasya kung gaano kalaking bahagi ng pangangasiwa ang makokontrol mo. Iminumungkahi ni Dominic na co‑host sa Cornwall, England na isaayos ang presyo kada gabi.

“Sinusuri ko ang mga property kada linggo o kada dalawang linggo,” sabi niya. “Kung mabilis ma‑book ang mga iyon, malalaman kong mainam ang presyo. Kung nagba‑browse pero hindi nagbu‑boook ang mga tao, posibleng masyadong mataas ang presyo.”

Mga review ng bisita

Binabasa ng maraming bisita ang mga review para mahanap ang listing na nakakatugon sa mga pangangailangan nila. Ipaunawa sa mga host na magandang pagkakataon ang pagtugon sa mga review para iparating na may malasakit ka sa karanasan nila at handa kang tumanggap ng suhestyon.

Pagpasyahan kung sino ang tutugon sa mga review ng bisita. Kung gusto ng host na siya ang umasikaso rito, puwede kang magbigay ng mga halimbawang sagot para matugunan ang iba't ibang uri ng feedback.

  • Pagpapasalamat sa mga bisita: “Salamat sa ibinigay mong review! Talagang pinapahalagahan namin ang paglalaan mo ng oras para pag‑isipan ang naging pamamalagi mo.”
  • Pagbabahagi ng mga pagpapahusay: “Pasensya na dahil hindi kayo naging komportable sa mga higaan. Mahalaga ang mahimbing na tulog kaya naglagay na kami ng mga mattress topper.”

“Hindi ko inaasahang makakuha ang sinumang host ng 100% walang bahid na mga review,” sabi ni Andrew na bisita at Superhost din sa Berlin. “Mas napapahanga ako ng mga taong sineseryoso ang feedback.”

Tandaang i‑update ang paglalarawan at mga litrato ng listing sa tuwing gagawa ka o ang host ng pagpapahusay sa tuluyan.

*Ayon sa pananaliksik ng Airbnb na isinagawa noong Nobyembre at Disyembre 2023 sa halos 7,000 bisita sa Australia, Brazil, Canada, France, Germany, Mexico, South Korea, Spain, United Kingdom, at United States.

**Ayon sa internal na datos ng Airbnb na sumusukat sa mga pinakamadalas hanaping amenidad sa buong mundo mula Enero 1 hanggang Hunyo 30, 2024.

Kasalukuyang magagamit ang Network ng mga Co‑host sa Australia, France, Germany, Italy, Japan, Mexico, South Korea, Spain, at United Kingdom (hatid ng Airbnb Global Services); Canada, United States (hatid ng Airbnb Living LLC); at Brazil (hatid ng Airbnb Plataforma Digital Ltda).

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Okt 16, 2024
Nakatulong ba ito?