Makakuha ng mas maraming 5-star na review
Congrats sa 5‑star na review mo! Pinahahalagahan ng iyong mga bisita ang pagsisikap mo para gawing di-malilimutan ang kanilang pamamalagi. Ganito panatilihin ang momentum.
Dahan-dahang pagpapaganda ng listing mo
Posibleng magmungkahi pa rin ng maliliit na pagbabago ang mga bisitang nagbigay ng 5 star. Gamitin ang kanilang feedback bilang gabay, at pag-isipan kung paano pa mapapaganda ang iniaalok mo.
- Tingnan ulit ang mga litrato ng listing mo. May bisita bang nag-iwan ng review na talagang natuwa sa patyo mo? Itampok iyon sa mga litrato mo. Naglagay ka ba ng mga dekorasyon para sa isang holiday? Ilagay sa itaas ang mga litrato ng panahon na kasalukuyang binu-book ng mga bisita.
- Suriin ang mga amenidad mo. Pag‑isipan kung aling mga patok na amenidad ang puwede mong idagdag o i‑upgrade, gaya ng paggamit ng smart lock sa halip na lockbox. Kasama sa mga nangungunang amenidad na hinahanap ng mga bisita ang sariling pag‑check in, wifi, washer, dryer, TV o cable, at ihawan ng BBQ.*
- Magdagdag ng mga iniangkop na detalye. Pagandahin ang iyong welcome kit sa pamamagitan ng sulat-kamay na note o maliit na alaala, tulad ng mapa ng lugar na pinaplanong tuklasin ng mga bisita mo.
- Pagandahin ang iyong dekorasyon. I-refresh ang iyong tuluyan gamit ang mga komportableng gamit, tulad ng pagdaragdag ng mga plush na unan at paglikha ng mga komportableng sulok para sa pagbabasa at mga laro.
Sa paggawa mo ng mga pagbabago, siguraduhing tumutugma sa kasalukuyang iniaalok ng tuluyan mo ang paglalarawan, mga litrato, at amenidad ng listing.
Pagpaparamdam sa bawat bisita na malugod silang tinatanggap
Bilang host sa Airbnb, nagpapatuloy ka ng mga bisita mula sa iba't ibang panig ng mundo. Mas mararamdaman ng mga bisita na malugod silang tinatanggap kung hindi ka pabago-bago at kung ingklusibo ka.
- Magtanong. Magpadala ng nakaiskedyul na mensahe ilang araw bago ang pag-check in na nagtatanong sa mga bisita kung may magagawa ka para maging mas komportable ang kanilang pamamalagi. Kapag handa kang malaman ang pangangailangan ng mga bisita, ipinapakita nitong sineseryoso mo ang kaginhawaan nila.
- Gumamit ng wikang hindi ayon sa kasarian. Ang pagdaragdag ng mga panghalip sa iyong profile sa Airbnb ay nagpapakita kung paano mo gustong tawagin ka at nagpapahiwatig ito na tinatanggap mo ang mga bisita anuman ang kanilang pagkakakilanlan Kapag nagpapadala ng mensahe sa mga bisita, alamin ang anumang pagpapalagay na maaaring ginagawa mo, gaya ng kasarian o katayuan sa pakikipagrelasyon ng isang tao.
- Itampok ang mga accessible na feature. Mayroon ka bang accessible na paradahan, pasukan, pintuan o shower na walang baitang, o iba pang accessible na amenidad? Basahin ang aming mga tagubilin para sa accessibility feature at mag-upload ng malilinaw na litrato sa seksyong Accessibility ng iyong listing para matulungan ang mga bisita na magpasya kung makakapamalagi sila sa iyong patuluyan.
- I-on ang Madaliang Pag-book. Nagpapatibay ang pagpapahintulot sa mga bisita na i-book ang iyong tuluyan nang walang paunang pag-apruba na handa kang mag-host ng sinumang nakakatugon sa iyong mga pamantayan sa pagbu-book.
- I-enable ang sariling pag-check in. Ibinahagi ng mga bisita na nakakatulong ang kakayahang pumasok sa tuluyan nang mag-isa na mapagaan ang mga alalahanin tungkol sa pagtanggap sa kanila batay sa pagkakakilanlan.
Nangangahulugan ang ingklusibong pagho‑host na ginagamit ang parehong pamantayan para tanggapin ang bawat bisita, mula sa pagbu‑book hanggang sa pagbibigay ninyo ng review sa isa't isa. Kung gusto mong matuto pa, basahin ang aming serye ng pagtuklas tungkol sa kung paano maging mas ingklusibong host.
*Ayon sa internal na datos ng Airbnb na sumusukat sa mga amenidad na pinakamadalas hanapin ng mga bisita sa iba't ibang panig ng mundo mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2024.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulo mula noong na‑publish ito.