Paano pumili ng mga setting sa pag-book
Puwede kang tumanggap ng mga reserbasyon ng bisita sa isa sa dalawang paraan: awtomatiko sa pamamagitan ng Madaliang Pag‑book o mano‑mano sa pamamagitan ng pagtugon sa mga kahilingan sa pag‑book. Ikinasisiya ng maraming bisita at host ang kaginhawaan ng Madaliang Pag‑book na nakakatipid ng oras.
Ano ang Madaliang Pag‑book?
Sa Madaliang Pag‑book, mabu‑book agad ng mga bisita ang anumang available na petsa sa kalendaryo mo. Makakatanggap ka lang ng mga kahilingan sa pag-book para sa mga reserbasyong may mga espesyal na sitwasyon na nangangailangan ng pag-apruba mo, tulad ng mga pamamalaging mas matagal sa 31 gabi.
Dapat sumang‑ayon ang lahat ng bisita sa mga alituntunin sa tuluyan mo at matugunan ang mga rekisito sa pag‑book ng Airbnb. Kapag na‑publish mo na ang listing mo, puwede kang magdagdag ng mga setting na hihingin sa mga bisitang gagamit ng Madaliang Pag‑book na:
- Makatapos ng reserbasyon nang walang negatibong review o insidenteng naiulat sa Airbnb Support.
- Basahin at sagutin ang mga tanong sa ginawa mong awtomatikong mensahe bago mag‑book.
Paano ko aaprubahan ang unang 5 booking ko?
Kapag may bisitang gustong mag‑book sa patuluyan mo, makakatanggap ka ng kahilingan sa pagpapareserba. May 24 na oras ka para aprubahan o tanggihan ang kahilingan bago iyon mag‑expire. Puwede kang magtakda ng mga notipikasyon para masigurong makakatanggap ka ng mga kahilingan sa lalong madaling panahon.
Kapag nagpadala ng kahilingan sa pagpapareserba ang bisita, awtomatikong iba‑block ang mga petsa sa kalendaryo mo para maiwasan ang pag‑overlap ng mga kahilingan sa hinaharap. Mananatiling naka‑block ang mga petsang iyon kung tatanggapin mo ang kahilingan sa pag‑book o kung hahayaan mong mag‑expire iyon, kaya mahalagang tumugon kaagad sa bawat kahilingan.
Magiging Madaliang Pag‑book ang mga setting ng pag‑book mo pagkatapos mong magkumpirma ng 5 reserbasyon. Puwede mong i-update ang mga setting mo anumang oras.
Aling opsyon ang angkop para sa iyo?
Narito ang ilang bagay na dapat isaalang‑alang kapag pumipili ng mga setting sa pag‑book:
Madaliang Pag-book
- Gusto ng mga bisita na makumpirma agad ang mga reserbasyon, kaya puwedeng mas dumami ang mga booking.
- Tumatanggap ang Madaliang Pag‑book ng mga booking batay sa mga pamantayang itinakda mo.
- Kakailanganin mong tiyaking napapanahon ang kalendaryo mo at i‑sync iyon sa iba pang kalendaryong ginagamit mo.
Mga kahilingan sa pagpapareserba
- Pinapahalagahan ng mga bisita ang mabilis na pagtugon kaya mainam na gamitin lang ang opsyong ito kung makakatugon ka sa loob ng 24 na oras.
- Makakatulong sa iyo na bigyang‑diin ang mga espesyal na alituntunin o feature ng patuluyan mo tulad ng matarik na hagdan papunta sa nag‑iisang pasukan.
- Hindi ka puwedeng tumanggi sa mga kahilingang mag-book sa dahilang labag sa patakaran laban sa diskriminasyon ng Airbnb.
Piliin ang opsyong pinakamainam para hindi mo kailanganing magkansela ng booking sa dahilang kaya namang iwasan. Puwede kang patawan ng bayarin o iba pang parusa kapag nangyari iyon.
Posibleng nagbago na ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.