Maging kapansin‑pansin sa lokalidad

Alamin kung paano mamukod‑tangi at magpadala ng mga referral.
Ni Airbnb noong Okt 16, 2024
Na-update noong Mar 3, 2025

Makakatulong ang pakikipag‑ugnayan sa mga tao sa labas ng Network ng mga Co‑host para mapalago ang negosyo mong pagko‑cohost. Posibleng kwalipikado kang makakuha ng mga reward sa referral kapag nag‑imbita ka ng mga host na makipagtulungan sa iyo.

Pagpapakilala sa sarili mo

Subukang mag‑promote online at nang personal para maging kapansin‑pansin sa lokalidad. Narito ang ilang ideya para makapagsimula ka:

  • Ipaalam sa network mo na available ka. Ibahagi ang profile mo sa mga kaibigan, kapamilya, kapitbahay, at katrabaho. Mag‑alok na tulungan silang mag‑list at mag‑host ng property na sa tingin mo ay magiging matagumpay sa Airbnb.
  • Makipagtulungan sa mga contractor mo. Itanong sa mga tagalinis, landscaper, at tagamentena mo kung nagbibigay sila ng serbisyo sa ibang host na gustong magpatulong.
  • Dumalo sa mga event ng komunidad at virtual na event. Ipakilala ang sarili mo sa mga may‑ari ng property, maliit na negosyo, at lider sa turismo para mapalawak ang network mo. Maghandang ipaliwanag ang mga serbisyo mo sa ilang pangungusap lang.

Ayon kay Jimmy na co‑host sa Palm Springs, California, “natunugan ko lang sa mga sabi‑sabi sa lokalidad ko” ang mga nahanap niyang host. Halimbawa, dalawang bagong property na puwedeng i‑host ang nahanap niya dahil sa tagalinis niya ng pool.

Pagpapabukod‑tangi sa sarili mo

Pag‑isipan ang mga gawaing maiaalok mo na posibleng hindi gustong gawin ng iba pang co‑host. Narito ang ilang ideya para makapagsimula ka:

  • Magbigay ng checklist sa mga bagong host. Bigyan ang mga host ng gabay sa mga amenidad, mga tip sa paglilinis, at mahahalagang supply na dapat ihanda.
  • Ibahagi sa host ang mga diskuwento mo. Mag‑alok ng rekomendasyon kung makakatipid ang mga host kapag ginamit nila ang mga kakilala mong tagapagbigay ng serbisyo sa pagmementena, landscaping, sining, o kagamitan sa tuluyan.
  • Gumawa ng welcome kit para sa mga bisita. Puwede kang magsama ng sulat‑kamay na mensahe, basket ng pagkain, at naka‑print na manwal ng tuluyan.
  • Gumawa ng guideboook para sa mga bisita. Gamitin ang kaalaman mo bilang lokal para tulungan ang mga host na magrekomenda ng mga lugar sa malapit kung saan puwedeng kumain, mamili, mamasyal, at maglakad‑lakad sa kalikasan. Ilagay ito sa listing nila at regular itong i‑update.

Pagpapadala ng mga referral at pagkuha ng mga reward

Puwede kang magpadala ng referral link para mag‑imbita ng mga host na makipagtulungan sa iyo.

  • I‑tap ang button sa ibaba para pumunta sa page ng mga referral. Ibahagi sa mga host ang natatangi mong link papunta sa profile mo bilang co‑host.
  • Hilingin sa mga host na padalhan ka ng mensahe sa profile mo. Kapag nagawa na nila iyon, makakapag‑ugnayan na kayo para magsimula.
  • Mag‑follow up sa mga host. Subaybayan ang katayuan nila sa tab ng mga kahilingan sa dashboard mo.

Posibleng kwalipikado kang makatanggap ng reward sa referral kapag natapos na ng mga host ang unang kwalipikadong reserbasyon sa kanila. Alamin kung aling mga host ang kwalipikado sa page ng mga referral.

Kasalukuyang magagamit ang Network ng mga Co‑host sa Australia, France, Germany, Italy, Japan, Mexico, South Korea, Spain, at United Kingdom (hatid ng Airbnb Global Services); Canada, United States (hatid ng Airbnb Living LLC); at Brazil (hatid ng Airbnb Plataforma Digital Ltda).

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Okt 16, 2024
Nakatulong ba ito?