Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Hindi available sa pinili mong wika ang nilalamang ito, kaya inihanda namin ito sa pinakamalapit na available na wika sa ngayon.

Makahikayat ng mga bisita sa mabilis at maaasahang wifi

Subukan ang bilis ng network mo at isaad ang nangungunang amenidad.
Ni Airbnb noong Ago 11, 2021
Na-update noong Ago 20, 2025

Kailangan ng maraming bisita ng mabilis na internet sa biyahe nila, lalo na kung nagsi‑stream sila ng video o nagtatrabaho. Sa katunayan, wifi ang halos pinakamadalas hanapin ng mga bisita kaysa sa anupamang amenidad sa Airbnb.*

Makakatulong ang pagdaragdag ng mabilis na wifi sa listing mo para lumabas ito sa mga resulta ng paghahanap. Puwede mong beripikahin ang bilis ng koneksyon mo gamit ang test ng bilis ng wifi.

Pag‑test sa bilis ng wifi mo

Kailangang nasa property ka para i‑test ang bilis ng wifi mo. Siguraduhing nakakonekta ka sa wifi network at naka‑log in sa Airbnb app sa iOS o Android device. 

Pumunta sa tab na Mga Listing at piliin ang gusto mong listing. I‑tap ang Mga Amenidad at sundin ang mga hakbang na ito:

  • I‑tap ang plus (+) para idagdag ang wifi bilang amenidad. I‑tap ang I‑edit kung naidagdag mo na ito. 
  • I‑tap ang Simulan ang test (posibleng kailanganin mong magbigay ng access sa network mo). 
  • Kapag lumabas na ang mga resulta, i‑tap ang Idagdag sa listing para isaad sa listing ang mga detalye ng wifi.

Pagkatapos mong ilagay sa listing mo ang bilis ng wifi, malalaman ng mga bisita na may ganitong amenidad ang tuluyan. Kung 50 Mbps pataas ang bilis ng wifi mo, lalabas din ang “mabilis na wifi” bilang highlight sa itaas ng listing.

Pag-unawa sa bilis ng wifi mo

Sinusukat ng test ng bilis ng wifi ang bilis ng koneksyon sa megabits per second. Narito ang iba't ibang bilis na posible mong makuha.

  • 50+ Mbps: Mabilis na wifi. Makakapag‑stream ang mga bisita ng mga 4K na video at makakasali sila sa mga video call sa maraming device. 
  • 25–49 Mbps: Medyo mabilis na wifi. Makakapag‑stream ang mga bisita ng mga 4K na video at makakasali sila sa mga video call.
  • 7–24 Mbps: Wifi na katamtamang bilis. Puwedeng mag‑stream ng mga HD na video ang mga bisita.
  • 1–6 Mbps: Wifi na karaniwang bilis. Makakapagbukas ng mga mensahe at makakapag‑browse sa web ang mga bisita.
  • Walang lumabas na resulta: Posibleng wala kang wifi o hindi ka makakonekta. Subukang i‑reboot ang router mo o lumipat sa ibang bahagi ng property.

Matuto pa tungkol sa pagberipika ng bilis ng internet mo

*Ayon sa internal na datos ng Airbnb na sumusukat sa mga amenidad na pinakamadalas hanapin ng mga bisita sa iba't ibang panig ng mundo mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2024.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulo mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Ago 11, 2021
Nakatulong ba ito?