Ano ang mga Host Club?
Komunidad ng mga lokal na host ang mga Host Club kung saan nakikipag-ugnayan online at nang personal ang mga host para magtanong, magbahagi ng mga tip, ipagdiwang ang mga nakakamit, at pag-usapan ang karanasan nila sa pagho-host.
Ang makikita mo
Higit sa lahat, network na nagbibigay ng suporta ang mga Host Club. Puwedeng lumapit doon kapag kailangan mo ng payo o gusto mong makipag-usap sa ibang host.
Para lang sa mga host ang mga club. Sinusuportahan ng mga boluntaryong host na tinatawag na mga Lider ng Komunidad ang bawat grupo. Sila ang nagsisimula ng mga usapan at nag-oorganisa ng mga meetup at oportunidad para sa pagboboluntaryo. May mga club na nagsasagawa ng mga personal na meetup habang online naman ang iba.
Mga kagandahan ng pagiging miyembro
Ayon sa datos ng Airbnb, kadalasang kumikita nang mas malaki ang mga miyembro ng mga Host Club kumpara sa ibang host at mas malaki ang posibilidad na maging Superhost sila.*
Misyon ng bawat club na lumikha ng espasyo na nagbibigay ng suporta, ingklusibo, at kapaki-pakinabang kung saan magagawa ng mga host na:
- Palaguin ang mga negosyo nila nang may kumpiyansa
- Magtanong at magbahagi ng mga tip
- Manatiling may alam sa mga update at sanggunian ng Airbnb
- Ipagdiwang ang mga tagumpay at lutasin ang mga hamon
- Maghanap ng mga oportunidad para magtipon nang personal at virtual
Paano sumali
Kailangan mo lang ng Airbnb account na may aktibong listing ng tuluyan o experience para makasali sa isang Host Club.
Madali lang sumali:
- Mag-log in sa Airbnb account mo
- Maghanap ng mga lokal na Host Club batay sa lokasyon at uri ng listing mo
- I‑tap ang Sumali sa grupo at tanggapin ang mga tagubilin ng komunidad
Kung walang available na club sa lugar mo, magkakaroon ka ng opsyon na maabisuhan kapag naglunsad ng club sa malapit.
*Batay sa pandaigdigang datos ng Airbnb ng mga host ng tuluyan noong Hunyo 2025. Hindi ginagarantiyahan ang kita at nakadepende ito sa ilang salik, kabilang ang availability mo, itinakda mong presyo, at demand sa lugar ninyo.
Posibleng nagbago na ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na-publish ito.
