Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.

Makakuha ng mahahalagang insight mula sa dashboard ng kita

Gumawa ng mga iniangkop na ulat, mag‑filter ayon sa uri ng kita, at higit pa.
Ni Airbnb noong Okt 16, 2024
Na-update noong Hul 30, 2025

Mas mahusay mong mapapatakbo ang negosyo mong pagho‑host kung nauunawaan mo ang mga kinikita mo. Ganito gamitin ang mga feature sa dashboard ng kita.

Interactive na chart ng kita

Nakasaad sa chart ng mga kita sa itaas ng dashboard:

  • Kung magkano ang kinita mo kada buwan sa nakalipas na anim na buwan
  • Kung magkano na ang kinita mo sa kasalukuyang buwan
  • Kung magkano ang tinatayang kikitain mo kada buwan sa susunod na limang buwan batay sa mga nalalapit na booking

I-expand ang chart para malaman ang kita ayon sa buwan o taon. Gamitin ang filter para suriin ang bawat listing.

Nasa ibaba ng interactive na chart ng kita ang stats ng performance na nagsasaad sa kabuuang bilang ng naka‑book na gabi at average na tagal ng pamamalagi.

Itinatampok ng buod ng kita ang gross na kita, mga kaltas, at kabuuang net na bayad simula Enero 1 ng kasalukuyang taon.

Mga card ng kita

May lalabas na card ng kita sa dashboard ng kita kapag may ipinadalang bayad. Nakasaad dito ang:

  • Paraan ng payout
  • Halaga ng transaksyon
  • Tinatayang tagal ng pagpoproseso

Buksan ang transaksyon para alamin ang iba pang detalye.

Mag‑filter ayon sa uri ng kita

I‑filter ang kita ayon sa uri kapag sinusuri ang mga babayaran pa lang o nabayaran nang transaksyon. Narito ang mga uri:

  • Mga tuluyan
  • Mga experience
  • Mga serbisyo
  • Mga credit
  • Mga paglutas

Puwede mo ring i‑filter ang mga transaksyon ayon sa petsa, listing, at paraan ng payout.

Mga ulat ng kita

Makakabuo ang Airbnb ng mga buwanan at taunang statement para sa iyo hanggang sa unang buwan ng pagho‑host mo. Puwede kang mag-download ng anumang ulat o magpadala ng PDF sa email para may kopya ka.

Makakagawa ka rin ng mga iniangkop na ulat para sa anumang listing at hanay ng petsa na pipiliin mo. Isinasaad ng bawat ulat ang mga detalye ng gross na kita, mga kaltas, at kabuuang net na bayad.

May opsyon ka ring isama ang:

  • Mga paraan ng payout na nagsasaad ng kabuuang kita kada account ng payout
  • Stats ng performance na nagsasaad ng bilang ng gabing naka‑book at average na tagal ng pamamalagi

Kapag napili mo na ang gusto mong isama, puwede kang mag‑download o magpadala sa email ng PDF ng ulat para may kopya ka.

Mga setting at dokumento

Gamit ang icon na gear sa kanang bahagi sa itaas ng dashboard ng kita, masusuri mo ang:

  • Mga paraan ng payout at alituntunin sa distribusyon ng payout
  • Mga detalye ng nagbabayad ng buwis at dokumento sa pagbubuwis
  • Mga ulat ng kita para sa anumang listing at hanay ng petsa
  • Mga umuulit na donasyon sa Airbnb.org bilang porsyento ng bawat payout para tumulong sa mga taong nangangailangan

Maaaring mag‑iba depende sa lokasyon ang karanasan ng user.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Okt 16, 2024
Nakatulong ba ito?