Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.

Paano magtakda ng presyo

Isaalang‑alang ang mga gastos mo, maghambing ng mga katulad na Karanasan, at gumamit ng diskuwento.
Ni Airbnb noong May 13, 2025
Na-update noong May 13, 2025

Binibigyan ka ng Airbnb ng access sa mga tool sa pagho-host at milyon-milyong bisita para mas madali mong maaabot ang target mong kita. Makakatulong ang pagtatakda ng sulit na presyo para maging kapansin-pansin ang Karanasan mo at mahikayat ang mga bisita na mag-book.

Kontrolado mo palagi ang presyo at puwede mo iyong baguhin anumang oras.

Presyo sa Airbnb

Makakatulong sa iyong makahikayat ng mga una mong bisita at magkaroon ng mga maagang rating at review ang pag‑aalok ng bagong Karanasan sa mas mababang presyo. Puwede mong i‑adjust ang presyo kalaunan para maabot mo ang inaasahan mong kita.

Narito ang ilang salik na dapat isaalang‑alang kapag nagtatakda ng presyo sa Airbnb.

  • Mga gastos mo: Alamin kung magkano ang kailangan mo para mabayaran ang mga gastos mo sa oras, mga supply, at pagkuha ng lisensya.
  • Mga katulad na Karanasan: Maghanap ng mga aktibidad na tulad ng sa iyo sa Airbnb at iba pang platform para paghambingin ang mga lokal na presyo at maunawaan kung ano ang papatok.
  • Bayarin sa serbisyo: Isaalang‑alang ang bayarin sa serbisyo na sinisingil ng Airbnb sa mga host para sa bawat booking na makikita mo kapag nagtakda ka ng presyo. Sa pamamagitan ng bayaring ito, nakakapagbigay kami ng mga tool sa pagho‑host, nakakapag‑alok kami ng 24/7 na customer service, at naaabot namin ang milyon‑milyong bisita sa pamamagitan ng Mga Karanasan sa Airbnb.

Pagtatakda ng presyo mo

Ilagay ang maximum na bilang ng bisita batay sa aktibidad, lokasyon, at pinakamainam na laki ng grupo para mahikayat ang pakikisalamuha. Ilalapat ang maximum na bilang na ito sa tuwing iaalok mo ang experience.

Magtakda ng presyo kada bisita at minimum para sa pribadong grupo.

  • Presyo kada bisita: Ito ang halagang sisingilin sa bawat bisita para makasali sa experience. Kasama dapat sa presyo ang lahat ng bayarin at tip. Posibleng makahikayat ng mas maraming bisita at mapalaki ang kita kapag nagtakda ng mas mababang presyo. Halimbawa, sa US, nag‑book ang 4 na bisita sa halagang USD60 kada isa na may kabuuang USD240, habang nag‑book naman ang 8 bisita sa halagang USD45 kada isa na may kabuuang USD360.
  • Minimum para sa pribadong grupo: Ito ang minimum na kabuuang halaga na sisingilin para sa pribadong grupo. Wala nang ibang makakapag‑book sa partikular na petsa at oras na iyon.

Malalaman mo kung magkano ang kikitain mo kapag inilagay mo ang presyo habang nagse‑set up.

Paglalagay ng mga diskuwento

Isang magandang paraan para mapanatiling kapansin-pansin ang presyo mo ang pag-aalok ng mga diskuwento sa iba't ibang uri ng booking.

  • Limitadong panahon: Mag‑alok ng 5% hanggang 50% diskuwento sa presyo mo sa loob ng 30 araw para mahikayat na mag‑book ang mga una mong bisita.
  • Maagang pagbu‑book: Magbigay ng 20% diskuwento sa mga bisitang magbu‑book nang mahigit 2 linggo bago ang takdang petsa para mahikayat ang mga bisitang nagpaplano nang maaga.
  • Malaking grupo: Magdagdag ng panggrupong diskuwento para mas mabilis na maabot ang maximum mong kapasidad.

Inilalapat ang mga diskuwento mo sa tuwing may magbu-book ng Karanasan ang isang bisita. Kapag nagdagdag ka ng mahigit sa isa, makukuha ng bisita ang diskuwento na magbibigay sa kanya ng pinakamalaking savings. Hindi siya makakakuha ng maraming diskuwento sa iisang reserbasyon.

Kailangang matugunan ng lahat ng host, litrato, at detalye ng listing ang mga pamantayan at kinakailangan para sa Mga Karanasan sa Airbnb.

Posibleng nagbago na ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
May 13, 2025
Nakatulong ba ito?