Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.

Pag-aalok ng natatanging experience

Ganito mangasiwa ng mga pambihirang aktibidad ang mga nangungunang host.
Ni Airbnb noong May 13, 2025
Na-update noong May 13, 2025

Naghahanap ang mga bisita ng mga experience na sa palagay nila ay hindi nila makukuha sa ibang lugar. Gamitin ang kaalaman at personalidad mo para gawing totoo at hindi malilimutan ang mga aktibidad mo.

Pagbibigay ng bagong pananaw

Makakatulong dapat ang mga experience sa mga bisita na maranasan ang kultura, kasanayan, o lugar kasama ang mga lokal na host na talagang nakakakilala sa kanilang lungsod.

  • Ipamalas ang lungsod mo. Maghanda ng mga aktibidad na hindi magagawa ng mga bisita nang sila-sila lang. Nagho-host si Justin ng mga walking tour sa Sydney at Brisbane, Australia. Dinadala niya ang mga bisita niya hindi lang sa mga karaniwang atraksyon. “May ideya ang mga tao kung ano ang Sydney—mga harbor beach, opera house, at seafood,” sabi niya. “Pero dinadala ko ang mga bisita sa mga lugar tulad ng Little Italy at Thai Town. Tungkol ito sa paghahanap ng mga lokal na may-ari ng negosyong may mga kuwentong maibabahagi ko.”
  • Ipamalas ang personalidad mo. Ipakita kung sino ka talaga at kung paano nauugnay sa iyo ang aktibidad. Tumutugtog ng gitara sa isang banda, nagpatakbo ng isang record label, at namamahala ng isang rock band si Evren, host ng isang music walking tour ng Soho sa London. “Hindi mo ito makukuha kahit saan pa,” sabi niya.

Gawin itong di-malilimutang alaala

Pag-isipan kung ano ang gusto mong makuha ng mga bisita sa kanilang oras kasama ka.

  • Gumawa ng hindi malilimutang bagay. Hindi kailangang magarbo o mahal ito. Nagho-host si Ruthy ng food trip sa Lisbon, at dinadala niya ang kanyang mga bisita sa isang family restaurant para tikman ang olive oil ng kanilang farm. "Hindi mo ito mabibili, kaya espesyal ang pagtikim nito sa kanilang restawran."
  • Magbigay ng memento. Dapat na partikular ito sa experience, tulad ng gawang-kamay na pasta o palayok. Nagho-host si Danylo ng mga workshop sa photography sa Berlin. Tumutulong siyang i-edit ang mga paboritong litrato ng mga bisita niya mula sa panahong magkakasama sila. “Gantimpala ito—ang pagdaragdag ng kaunting kasiyahan sa pag-edit,” sabi niya.

Kung babaguhin mo ang experience mo para gawin itong mas natatangi, i-update ang listing mo para malaman ng mga bisita kung ano ang dapat nilang asahan.

Dapat matugunan ng lahat ng host, litrato, at detalye ng listing ang mga pamantayan at rekisito para sa mga Experience sa Airbnb.

Posibleng nagbago na ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
May 13, 2025
Nakatulong ba ito?