Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.

Para mahikayat ang pakikisalamuha

Ibinabahagi ng mga nangungunang host kung paano nila hinihikayat na makisalamuha ang mga bisita.
Ni Airbnb noong May 13, 2025
Na-update noong May 13, 2025

Mahalaga para sa mga bisita ang mga oportunidad para sa totoong pakikisalamuha sa iyo at sa iba pang bisita. Siguraduhing may mga espesyal na sandali bago, habang, at pagkatapos ng experience para maiparamdam sa kanila ang koneksyon at pagtanggap sa kanila.

Paghikayat ng mga makabuluhang pakikisalamuha

Maglaan ng oras sa itineraryo mo para mapalapit sa iyo, sa isa’t isa, at sa komunidad ninyo ang mga bisita. Puwedeng kasama roon ang mga aktibidad na nakaplano at hindi nakaplano.

  • Magplano ng pampasimula ng usapan. Pag-isipang gumamit ng madadaling prompt, tulad ng pagtatanong sa mga bisita kung tagasaan sila. Nagho‑host si Graciela ng klase sa pagluluto sa Mexico City, at minsan na siyang nagkaroon ng mga bisita mula sa ibang bansa na nakadiskubre na magkapitbahay sila. “Nagkaroon sila ng hindi inaasahang koneksyon sa simpleng pagpapakilala na iyon,” sabi niya.
  • Hayaang makihalubilo ang grupo. Puwede mong hikayatin ang mga bisita na mag‑usap tungkol sa isang bagay o magkuwento para makilala nila ang isa’t isa. “Nakakakilala ako ng mga pambihirang tao na may mga kahanga‑hangang kuwento ng buhay,” sabi ni Alan na nagho‑host ng paglilibot sa Niagara Falls. “Gusto nilang sumasali sa mga experience para makakilala ng iba. Kailangan talaga nila ang personal na koneksyong iyon.”
  • Ipakilala ang komunidad mo. Tulungan ang mga bisita na makisalamuha sa mga lokal, planado man iyon o biglaan. Nagho‑host si Ruthy ng food trip sa Lisbon, at siya raw ang nagbubuklod sa mga bisita at sa komunidad. “Natutuwa ang mga bisita kapag ipinapakilala namin sila sa lolang nakakasalubong namin sa kalsada.”

Kung may mga babaguhin ka para magkaroon ng oras sa pakikisalamuha ang mga bisita, i‑update mo ang itineraryo para malaman nila kung ano ang dapat nilang asahan.

Pagdirekta sa daloy ng usapan

Makipag‑chat sa mga bisita sa tab na Mga Mensahe bago at pagkatapos ng experience.

  • Mag‑iskedyul ng pambungad na mensahe. Simulan sa pagpapakilala ang mensahe ng grupo. Itanong kung ano ang inaasahan nilang makuha sa experience at kung mayroong nagdiriwang ng espesyal na okasyon.
  • Kilalanin ang bawat grupo. Sumali sa chat para makahikayat ng mas makabuluhang pakikisalamuha nang personal. May mga detalye rin tungkol sa mga bisita sa tab na Ngayong Araw, tulad ng mga interes nila at kung tagasaan sila.
  • Mangumusta pagkatapos. Magbahagi ng mga litrato, video, at rekomendasyon, at hikayatin ang mga bisita na gawin din iyon. Puwede nitong mapatibay ang mga nabuong koneksyon ng mga bisita at masigurong naaalala nila ang naranasan nila kapag hiningan sila ng rating at review.

Dapat matugunan ng lahat ng host, litrato, at detalye ng listing ang mga pamantayan at rekisito para sa mga Experience sa Airbnb.

Posibleng nagbago na ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
May 13, 2025
Nakatulong ba ito?