Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.

Paano gumawa ng itineraryong mamumukod-tangi

Ipakilala ang mga aktibidad mo, pagtuunan ang bisita, at ipakita kung ano ang espesyal.
Ni Airbnb noong May 13, 2025
Na-update noong May 13, 2025

Gustong malaman ng mga bisita kung ano ang gagawin nila sa isang Karanasan bago sila mag-book. Ang itineraryo mo ay isang maikling agenda na tinutulungan ang mga bisita na magpasya kung angkop ang Karanasan.

Pagtatakda ng mga dapat asahan

Inilalahad ng magandang itineraryo ang Karanasan ng mga bisita mula simula hanggang katapusan na may listahan ng mga partikular na aktibidad. Dapat kasama sa unang aktibidad ang mga pagpapakilala at pagpaparamdam sa mga bisita na malugod silang tinatanggap. Dapat maging grand finale ang huling aktibidad. Panatilihing malinaw at maikli ang itineraryo mo hangga't maaari.

Ilarawan kung ano mismo ang maaaring asahan ng mga bisita mo sa bawat bahagi ng Karanasan sa itineraryo.

Pagdaragdag ng mga aktibidad

Kailangan mong maglagay ng kahit isang aktibidad, at iminumungkhahi naming magsimula sa 3 aktibidad.

Binubuo ang bawat aktibidad ng mga sumusunod na item.

  • Pamagat: Ipaliwanag ang aktibidad gamit ang 2 hanggang 4 na salita. Laging magsimula sa isang verb.
  • Paglalarawan: I-expand ang pamagat gamit ang isang pangungusap. Sabihin sa mga bisita kung ano ang puwede nilang asahan sa bahaging ito ng Karanasan.
  • Larawan: Pumili ng simple at magandang larawan na tumutugma sa paglalarawan mo. Tumuon sa isang detalye o tao, na may simpleng background.
  • Tagal: Piliin kung ilang minuto ang plano mong gugulin sa paggawa ng aktibidad na ito.

Kung mag-uuwi ang mga bisita ng souvenir, regalo, o iba pang memento, ilarawan ito bilang bahagi ng huli mong aktibidad. Puwede kang mag‑edit o mag‑order ulit ng mga aktibidad kung kinakailangan.

Kailangang matugunan ng lahat ng host, litrato, at detalye ng listing ang mga pamantayan at kinakailangan para sa Mga Karanasan sa Airbnb.

Posibleng nagbago na ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
May 13, 2025
Nakatulong ba ito?