Pagbabalik-tanaw sa mga nagawa naming pagbabago
Nakasaad sa kauna‑unahan naming ulat ng pagbabago kung paano namin naiugnay ang mahigit 220,000 tao sa mga pang‑emergency na matutuluyan.
Ang kakayahan ng komunidad
Mula pa noong 2020, nagiging posible dahil sa Airbnb.org ang pagpapagamit ng tuluyan, pagbabahagi ng mga mapagkukunan, at pagbibigay ng suporta sa panahon ng kagipitan.
220,000+
Taong nawalan ng tirahan na pansamantalang pinatuloy
1,400,000
Gabi ng libre at pang‑emergency na pamamalagi
76,800
Taong nag‑sign up para makapag‑host sa pamamagitan ng Airbnb.org
Mga kuwento ng pagbabago
Tumugon kami ngayong taon sa mga lindol sa Türkiye at Syria, mga wildfire sa Maui, at mga problemang humanitaryan sa iba't ibang panig ng mundo.
Ulat ng pagbabago (PDF)Kuwento nina Zehra at Souhel
Nagtakda ang mga humanitarian worker na sina Zehra at Souhel ng petsa ng kasal at lumipat sila sa pangarap nilang bahay sa Antakya, Türkiye. Tapos, sinira ng sunod-sunod na magnitude 7+ na lindol ang kanilang bahay at mga plano para sa hinaharap.
Nakahanap sina Zehra at Souhel ng pansamantalang lugar na matutuluyan sa pamamagitan ng Airbnb.org. Nakaramdam sila ng kaginhawaan sa apartment. “Binigyan kami nito ng lugar para makahinga at makapag-isip lalo na tungkol sa susunod na mangyayari,” sabi ni Zehra. Sa pamamalagi sa Airbnb.org, nagkaroon din sila ng tuluyan kung saan puwede nilang ipagpatuloy ang trabaho nila sa nonprofit na GOAL Global na sumusuporta sa iba pang nakaligtas sa lindol.Kuwento nina Zehra at Souhel
Nagtakda ang mga humanitarian worker na sina Zehra at Souhel ng petsa ng kasal at lumipat sila sa pangarap nilang bahay sa Antakya, Türkiye. Tapos, sinira ng sunod-sunod na magnitude 7+ na lindol ang kanilang bahay at mga plano para sa hinaharap.
Nakahanap sina Zehra at Souhel ng pansamantalang lugar na matutuluyan sa pamamagitan ng Airbnb.org. Nakaramdam sila ng kaginhawaan sa apartment. “Binigyan kami nito ng lugar para makahinga at makapag-isip lalo na tungkol sa susunod na mangyayari,” sabi ni Zehra. Sa pamamalagi sa Airbnb.org, nagkaroon din sila ng tuluyan kung saan puwede nilang ipagpatuloy ang trabaho nila sa nonprofit na GOAL Global na sumusuporta sa iba pang nakaligtas sa lindol.Kuwento ni Benny
Tinatawag na bayani si Benny sa buong bansa matapos niyang iligtas sa mga wildfire sa Maui ang 88 taong gulang na babae at ang anak nito. Pero hindi nakaligtas sa sunog ang sarili niyang bahay.
Tinulungan ng staff ng Airbnb.org si Benny na makahanap ng pansamantalang lugar na matutuluyan. Sinabi niyang dahil sa pagkakaroon ng matutuluyan, nagkaroon sila ng mga kapitbahay niyang nasa katulad na sitwasyon ng kailangan nilang katatagan para simulan ang pagbangon ng kanilang komunidad. “Puwede kaming maging mas handang ayusin ang komunidad namin para maibalik ang tahanan namin.” Isa si Benny sa maraming taong naapektuhan ng sunog na nakahanap ng pang‑emergency na matutuluyan sa pamamagitan ng Airbnb.org.Kuwento ni Benny
Tinatawag na bayani si Benny sa buong bansa matapos niyang iligtas sa mga wildfire sa Maui ang 88 taong gulang na babae at ang anak nito. Pero hindi nakaligtas sa sunog ang sarili niyang bahay.
Tinulungan ng staff ng Airbnb.org si Benny na makahanap ng pansamantalang lugar na matutuluyan. Sinabi niyang dahil sa pagkakaroon ng matutuluyan, nagkaroon sila ng mga kapitbahay niyang nasa katulad na sitwasyon ng kailangan nilang katatagan para simulan ang pagbangon ng kanilang komunidad. “Puwede kaming maging mas handang ayusin ang komunidad namin para maibalik ang tahanan namin.” Isa si Benny sa maraming taong naapektuhan ng sunog na nakahanap ng pang‑emergency na matutuluyan sa pamamagitan ng Airbnb.org.Suportahan ang ginagawa namin
Dahil sagot ng Airbnb ang lahat ng gastusin sa pagpapatakbo ng Airbnb.org, nagagamit ang 100% ng bawat donasyon para pondohan ang mga pang‑emergency na pamamalagi sa tulong ng aming mga nonprofit partner.
Magbigay ng donasyon ngayon Salamat
Para sa mga host, partner, at donor sa Airbnb.org para sa mga pagbabagong kanilang ginagawa.