Mas madali nang napipili ng mga tao kung saan at kailan sila bibiyahe. Para matulungan silang masulit ang mga bagong posibilidad na ito, narito ang pinakamalaking pagbabago na ginawa namin sa loob ng isang dekada—kabilang ang ganap na bagong paraan ng paghahanap, mas mainam na paraan ng pamamalagi nang mas matagal, at walang katulad na antas ng proteksyon.
Inihahandog ang bagong disenyong paghahanap na nakasentro sa Mga Kategorya sa Airbnb para madaling ma-explore ng mga bisita ang mundo ng Airbnb at makatuklas sila ng mga lugar na hindi nila naiisip na hanapin.
Nag-aalok ang mga host ng milyon-milyong natatanging tuluyan sa iba't ibang panig ng mundo. Sa Mga Kategorya sa Airbnb, inaayos at inilalagay sa mga piling koleksyon ang mga ito. Mayroong mahigit sa 50 kategorya ng mga tuluyan na pinili ayon sa estilo o lokasyon ng mga ito, o batay sa mga aktibidad na malapit sa mga ito. Kasama sa mga ito ang:
Madali nang matutuklasan ng mga bisita ang mahigit sa 20,000 tuluyan na pinili dahil sa bukod-tanging arkitektura at interior ng mga ito, kabilang ang mga obra maestra ng mga arkitektong tulad nina Frank Lloyd Wright at Le Corbusier.
Ang mga Airbnb host ang nag-aalok ng pinakamalaking koleksyon ng mga natatanging tuluyan sa buong mundo—gaya ng mga treehouse at munting bahay—sa mahigit sa 100,000 bayan sa 220 bansa.
Sinusuri namin ang mga listing sa Airbnb sa pamamagitan ng machine learning para analisahin ang mga pamagat, nakasulat na paglalarawan, mga review ng bisita, mga caption ng litrato, at iba pang datos.
Ang mga miyembro ng tagapangasiwang team ng Airbnb ang sumusuri sa mga listing at pumipili ng mga itinatampok na litrato. Pagkatapos, sumasailalim ang bawat kategorya sa huling pagsusuri para matiyak na maayos ito at mataas ang kalidad ng mga litrato.
Mas maraming tao na ang bumibiyahe nang mas matagal ngayon. Para mabigyan sila ng higit pang opsyon habang nagpaplano, ginawa namin ang Magkaugnay na Pamamalagi, isang makabagong feature na nagbibigay-daan sa mga bisita na mamalagi sa dalawang magkaibang tuluyan sa iisang biyahe. Makakahanap na ngayon ang mga bisita ng average na 40% dagdag na listing kapag naghahanap sila para sa mas matatagal na pamamalagi.
Kapag naghanap ang mga bisita para sa mas matagal na pamamalagi sa isang destinasyon, mag-aalok kami ng opsyong gugulin nila ang kanilang biyahe sa dalawang magkaibang tuluyan sa lugar.
Iniaalok din ang Magkaugnay na Pamamalagi sa 14 na iba't ibang kategorya, kabilang ang Camping, Pambansang Parke, Surfing, at higit pa, para makapamalagi sa magkatulad na tuluyan o makagawa ng mga aktibidad sa dalawang lugar ang mga bisita. Halimbawa, habang nagba-browse ang bisita sa Kategoryang Pambansang Parke, maaari siyang makahanap ng Magkaugnay na Pamamalagi na nagmumungkahi ng tuluyan na malapit sa Zion at isa pang tuluyan na malapit sa Grand Canyon.
Matalino kaming nagpapares ng dalawang tuluyan sa pamamagitan ng pagtutugma ayon sa lokasyon, uri ng tuluyan, at mga amenidad.
Pinagkokonekta ang Magkaugnay na Pamamalagi sa mapa sa pamamagitan ng animation na malinaw na nagsasaad sa distansya ng mga tuluyan at kung saan unang mamamalagi.
Kapag pumili ang bisita ng Magkaugnay na Pamamalagi, gagabayan siya sa madaling gamiting proseso ng pag-book sa bawat tuluyan.
Ang AirCover ang pinakakumpletong libreng proteksyon sa pagbibiyahe na nagbibigay sa mga bisita ng kumpiyansang malaman na kung magkaproblema, suportado namin sila.
Sa bihirang pagkakataong kailanganin ng host na kanselahin ang booking sa loob ng 30 araw bago ang pag-check in, hahanapan namin ng katulad o mas mainam na matutuluyan ang mga bisita o bibigyan namin sila ng refund.
Kung hindi makapag-check in ang bisita sa tuluyan at hindi malutas ng host ang isyu, hahanapan namin siya ng katulad o mas mainam na matutuluyan para sa lahat ng araw ng kanyang orihinal na pamamalagi o bibigyan namin siya ng refund.
Kung mapag-alaman ng bisita sa anumang bahagi ng kanyang pamamalagi na hindi naaayon sa nakasaad sa listing ang tuluyan—halimbawa, nasira ang refrigerator at hindi ito madaling maaayos ng host o mas kaunti ang kuwarto kaysa sa nakasaad sa listing—may tatlong araw ang bisita para iulat ito at hahanapan namin siya ng katulad o mas mainam na matutuluyan o bibigyan namin siya ng refund.
Sakaling maramdaman ng bisita na hindi siya ligtas, mabilis niyang magagawang makipag-ugnayan sa mga ahenteng pangkaligtasan na sumailalim sa espesyal na pagsasanay, araw man o gabi.
Ang mga kagandahan ng AirCover kumpara sa mga komprehensibong proteksyong iniaalok nang libre ng aming mga pangunahing kakumpitensya.
Idinisenyo ang AirCover para sa mismong app at website ng Airbnb, kaya madaling magagawa ng mga bisita na makipag-ugnayan sa isang ahente anumang oras at mabilis na malutas ang mga isyu. Para maibigay ang AirCover, bumuo kami ng team ng mga dalubhasang ahente para sa tulong sa last-minute na pagbu-book ng ibang tuluyan, at ginawa naming available ang 24 na Oras na Linya para sa Kaligtasan sa mas marami pang wika.