Lumaktaw sa nilalaman

Airbnb 2021

100+ upgrade sa buong serbisyo

Airbnb 2021

100+ upgrade sa buong serbisyo

Dinisenyo para maging pleksible para sa bagong paraan ng pagbibiyahe

1. Anumang destinasyon

Isang bagong paraan para matuklasan ng mga bisita ang mga pambihirang tuluyan na baka napalampas nila.

2. Anumang pagtutugma

Kasama ang mga listing na malapit pero nasa labas ng hinahanapang lokasyon, para makapagpakita sa mga bisita ng higit pang opsyon.

3. Anumang petsa

Puwede na ngayong maghanap ang mga bisita ng mga bagong opsyon, mula sa bakasyunan sa katapusan ng linggo hanggang sa mga matutuluyan sa loob ng isang buwan o mas matagal pa.

Isang mas simple at nagbibigay-inspirasyong karanasan para sa bisita

4. Mga Piling Wishlist

Koleksyon ng mga tuluyan at Karanasan—tingnan ang Mga Yaman ng Kalikasan.

5. Gabay sa pagdating

Nakasaad na sa iisang lugar ngayon ang impormasyon sa pagdating na kailangan ng mga bisita, mula sa mga direksyon hanggang sa wifi.

6. Mabilis na pag-check out

Binawasan namin ang mga hakbang na kinakailangan para makumpirma ng mga bagong bisita ang una nilang reserbasyon.

7. Inline na pag-sign up

Madali na ngayong makakagawa ng Airbnb account ang mga bagong bisita sa paunang proseso ng pagbu-book.

8. Filter bar

Mas madali nang makikita ngayon ang mga pinakasikat na filter kapag naghahanap ng pinakaangkop na listing para sa iyo.

9. Na-update na menu ng filter

Pinahusay na mga parameter ng paghahanap para sa mas malinaw at simpleng paghahanap.

10. Filter na nakaayon sa panahon

Lalabas ang mga filter na naaayon sa konteksto depende sa panahon, halimbawa, ski-in/ski-out.

11. Filter na nakaayon sa lokasyon

Lalabas na lang ngayon ang mga opsyon sa pag-filter kung may kaugnayan sa piniling destinasyon ng bisita.

12. Mga detalyadong amenidad

Higit pang partikular na detalye para sa mga amenidad, halimbawa, kung de-gas o de-kahoy ang fireplace.

13. Mga bagong katangian

Tanawing karagatan? Stationary bike? Nakasaad na sa mga listing ang mga kapaki-pakinabang na detalyeng ito.

14. Pag-refresh ng mapa

Pinapanatiling nakasentro sa mapa ang mga resulta ng paghahanap habang nagba-browse.

15. Mga hindi nawawalang pin

Hindi na nawawala at lumilitaw ang mga pin sa mapa habang nagzu-zoom at nagpa-pan. Yehey!

16. Mga pinagandang icon ng mapa

Makakakita ng mga sikat na atraksyon at higit pa sa redesigned map iconography kapag naghahanap.

17. Mga Karanasan sa malapit

Makikita na ngayon sa mapa kung saan ginaganap ang mga Karanasan sa Airbnb kaugnay ng pamamalagi ng bisita.

18. Mga full-screen na mapa sa desktop

Mas madali nang makakapaghanap sa desktop sa tulong ng mga full-screen na mapa.

19. Pag-navigate ng bisita

Nagbibigay ang bagong menu para sa bisita ng direktang access sa mga pamamalagi, Karanasan, pagiging host, at higit pa.

20. Filter para sa accessibility

Sa inayos na mga filter sa paghahanap, mas madaling makakapaghanap ng mga matutuluyan na may mga feature na nauugnay sa accessibility.

21. Tumuon sa accessibility

Pagtaas ng bilang ng mga pamamalagi at mga Karanasan sa Airbnb na may mga accessibility feature.

22. Mga accessible na tuluyan

Mga pambihirang tuluyan na may mga accessibility feature para matulungan ang komunidad.

23. Filter para sa mga Karanasan

Gamit ang bagong filter, makakapaghanap ang mga bisita ng mga aktibidad na personal na malalahukan na may mga accessibility feature.

24. Mga bagong inclusive na Karanasan

Mga aktibidad online at na nilalahukan nang personal na idinisenyo para maging inclusive para sa komunidad ng mga may kapansanan.

25. Singil sa tagapag-alaga

Makakapag-alok ang host ng Karanasan ng ibang presyo sa tagapag-alaga ng may kapansanan.

26. Mga Yaman ng Kalikasan

Mga matutuluyan at Karanasan na nagdadala sa iyo sa piling ng kalikasan.

27. Pagbabahagi ng Wishlist

Ibahagi ang mga paborito mong Wishlist sa Airbnb sa mga kaibigan, kapamilya, at follower.

28. Mas malilinaw na pagkansela

Inayos ang mga patakaran sa pagkansela para gawing mas malinaw ang mga ito para sa mga bisita at host.

29. Mga ideya para sa pagpaplano ng biyahe

Habang nagpaplano ng pamamalagi, nagmumungkahi sa mga bisita ng mga may kaugnayang Karanasan.

30. Mga puwedeng gawin

Nagmumungkahi na ngayon ang tab na Mga Biyahe ng magagandang aktibidad sa malapit na lugar sa panahon ng biyahe mo.

31. Mga rekomendasyon ng host

Puwedeng magpadala ng mensahe ang mga host sa mga kasalukuyang bisita para ipaalam ang mga inirerekomendang Karanasan na malapit sa tuluyan sa panahon ng kanilang pamamalagi.

32. Paglilisensya ng mga Karanasan

Nakakatulong na matiyak na napapanahon ang impormasyon ng lisensya at insurance ng host para sa mga Karanasang tulad ng pamamangka.

33. Mga paglalarawan ng karanasan

Madali na ngayong mababago at maa-update ng mga host ng mga Karanasan ang mga paglalarawan ng listing para matiyak ang katumpakan.

34. Mas madaling access ng team

Madali nang makakakuha ng puwesto sa panggrupong Karanasan Online ang mga katrabaho mo.

35. Mga Host ng mga Karanasan Online

Komunidad ng mga host na para lang sa mas lumalaking pamilya ng mga host ng mga Karanasan Online.

36. Pampamilyang pagpepresyo

Puwede na ngayong mag-alok ng mga diskuwento ang mga host ng mga Karanasan para mas madaling magawa ng mas maraming pamilya na makibahagi.

37. Kategorya ng mga tuluyan

Nagdagdag ng 9 na bagong kategorya ng mga pambihirang tuluyan na mapagpipilian—mula sa mga bahay na adobe hanggang sa mga bagon.

38. Mga pambihirang tuluyan sa piling ng kalikasan

Isang bagong kategorya ng mga pambihirang matutuluyan sa piling ng kalikasan—mula sa mga bubble tent hanggang sa mga rantso.

39. Tuluyan sa interesanteng lugar

Makakahanap ang mga bisita ng mga tuluyang malapit sa isang bagay na espesyal, tulad ng talon o winery.

Mas madadaling paraan para mag-host—mula sa pag-sign up hanggang sa pagiging Superhost

40. Page sa pagiging host

Ganap na muling idisenyo para mas mahusay na matugunan ang mga pangangailangan ng mga bagong host sa pagsisimula ng kanilang paglalakbay.

41. Maging host sa 10 hakbang

Hindi kailanman naging ganito kadali na i-list ang iyong tuluyan sa Airbnb, at humingi ng tulong.

42. Tab na Ngayong Araw

Isang bagong paraan para madaling mapangasiwaan ng mga host ang mga booking, gawain, at higit pa lahat sa iisang lugar.

43. Sanggunian ng Host ng Karanasan

Naglalaman ang na-update na page na “Pagiging Host” ng mga bagong bahagi at sanggunian para sa mga Host ng mga Karanasan.

44. Mga testimonya ng host

Isang library ng mahahalagang artikulo at video para magbigay ng inspirasyon sa mga bago at kasalukuyang host.

45. Ano ang halaga ng lugar ko?

Tinutulungan ka ng na-update na calculator na mabilis na tantyahin ang mga potensyal na kita ng iyong tuluyan.

46. Madaling mag-host ng mga Karanasan

Pinapadali ng proseso ng pag-onboard na maging host ng mga Karanasan.

47. Mga video para sa mga Karanasan

Makakapag-upload ng video ang mga host ng mga Karanasan para maipakita ang kanilang hilig.

48. Awtomatikong napunan ang mga detalye

Nakakatulong ang mga detalye ng property na nakuha mula sa pampublikong datos ng real estate sa mga host na mabilis na i-list ang kanilang tuluyan.

49. Madaling magdagdag ng mga amenidad

Pinapadali ng mga animated na icon na pumili at magpakita ng mahahalagang feature sa listing.

50. Pagsasaayos ng mga litrato

Sinusuri at inaayos ng mga advanced na computer vision model ang mga litrato para sa pinakamagandang layout.

51. Iminumungkahing pamagat

Awtomatikong iminumungkahing teksto para sa paggawa ng pamagat ng listing.

52. Pagsisimula ng paglalarawan

Nakakatulong sa mga bagong host na ilarawan ang mga natatanging katangian ng listing nila.

53. Pinasimpleng pagpepresyo

Direkta at simple na ngayon ang pagtatakda ng naaangkop na presyo para sa iyong listing.

54. Iminumungkahing hanay ng presyo

May tinatantiyang hanay ng presyo para sa tuluyan mo batay sa mga katulad na listing.

55. Mga Pasasalamat

Pinadali at pinasimple namin ang isa sa mga huling hakbang sa pagtatapos ng proseso ng listing.

56. I-preview bago i-list

Makakuha ng buong preview sa kung paano ipapakita sa mga bisita ang bagong listing bago ito maging live. Sa wakas!

57. Malugod na pagbati sa bagong listing

Kasama mong magdiriwang sina Sandy at Brian kapag nakumpleto mo na ang bago mong listing.

58. Patnubay para sa bagong host

Sinusuportahan ng mga kaugnay na artikulo ang mga bagong host sa buong proseso ng pag-onboard.

59. Intro sa mga klase sa pagho-host

Nakakatulong ang mga klase online na pinangungunahan ng mga Superhost sa mga bagong host na makapagsimula sa lalong madaling panahon.

60. 1:1 na pagpapayo

Puwedeng direktang magpadala ng email ang mga bagong Host na dumadalo sa mga online class sa mga Superhost para sa iniangkop na tulong.

61. Magtanong sa Superhost

Habang nagli-list, makakahingi ng payo ang mga bagong host sa pamamagitan ng pagpapadala ng pribadong mensahe sa isang Superhost.

62. Mga tip sa matagumpay na pagho-host

Puwedeng magparehistro ang mga Host para sa Mga Karanasan Online para matuto ng mga tip at trick mula sa mga bihasang Host.

63. Maghanda para sa iyong unang bisita

Tutulungan ka pagka-list mo ng lugar—halimbawa, sa mga alituntunin sa tuluyan.

64. Kalendaryo at presyo

Binibigyan ang mga bagong host ng mga tip kung paano makakuha ng mga gusto nilang booking.

65. Paano makakapag-book ang bisita

Puwedeng magdagdag ang mga host ng mga rekisito para sa mga bisitang magbu-book, tulad ng mga rekomendasyon mula sa iba pang host.

66. Piliin kung paano mabayaran

Pinapaalalahanan ng awtomatikong alerto ang bagong host na magdagdag ng paraan ng payout.

67. Mga kahilingan sa pagpapareserba

Sa bagong tab na Ngayong Araw, makikita ng mga host ang mga pagpapareserba at pagtatanong.

68. Ang iyong mga reserbasyon

Sa tab na Ngayong Araw, makikita ng host ang mga kasalukuyan at nakabinbing reserbasyon.

69. Mga mabilisang link

Nagbibigay ang tab na Ngayong Araw ng madaling paraan para ma-access ng mga host ang mga tool sa pagpepresyo at availability.

70. Balita at update para sa host

Nagpapayo ang mga kaugnay na artikulo sa tab na Ngayong Araw ng mga diskarte para sa matagumpay na pagho-host.

71. Mga alerto para sa host

Pinapaalalahanan ng mga notipikasyon ang mga host tungkol sa kailangan nilang gawin.

72. Mas mabilis na pagpapadala ng mensahe

Hanggang 10x na mas mabilis na ngayong maglo-load ang mga mensahe sa pagitan ng mga bisita at host.

73. Paghahanap sa inbox

Nagbibigay-daan sa mga host na hanapin ang mga mensahe sa inbox.

74. Mga bagong filter ng inbox

Sa pamamagitan ng mga update sa inbox, mabilisang mafi-filter ng mga host ang mga mensahe, kabilang ang mga mensaheng hindi pa nababasa.

75. Mga Iniangkop na Mabilisang Tugon

Madali na ngayong maiaangkop ng mga host ang kanilang Mabilisang Tugon sa mga madalas itanong ng mga bisita.

76. Mga nakaiskedyul na mensahe

Gumawa ng mga mensaheng awtomatikong nagpapadala ng mga paalala, tulad ng mga tagubilin sa pag-check out.

77. Mga Insight sa Pagho-host

Nagbibigay ang tab na Mga Insight ng impormasyon sa mga lokal na trend para tulungan ang mga Host na makinabang sa mga bagong oportunidad.

78. Mga Insight para sa mga Karanasan

Bagong tool para sa mga Host ng Karanasan na may mahalagang datos sa kita, rating, at higit pa.

79. Flow ng pagbibigay ng review

Mas madaling paraan upang makapagsumite ang mga bisita ng mga review para sa mga host.

80. Detalyadong feedback

Dahil sa mga feedback cue, nakapag-iiwan ang mga bisita ng mas maaaksyunan at detalyadong review para sa mga host.

81. Iba pang kategorya ng feedback

Tinutulungan ng mga bagong kategorya sa review flow ang mga bisita na magbigay ng komprehensibong buod ng kanilang pamamalagi.

82. Mga na-update na review

Mayroon na ngayong buong spectrum ang mga bisita, mga puna at mga papuri, para i-rate ang kanilang pamamalagi...sa wakas!

83. Mga panghabambuhay na nakakamit ng host

Isinasaad sa mga bagong sukatan ang lahat, hal. bilang ng bisita at bagay na gusto nila.

84. Mga maibabahaging highlight sa pagho-host

Isang bagong paraan para maibahagi at maipagmalaki sa social media ng mga host ang mga panghabambuhay na sukatan sa performance.

85. Mga detalye ng host

Hina-highlight ng mga detalye ng listing ang pagiging natatangi ng bawat Host at kanilang tuluyan.

Primera-klaseng suporta para sa ating pandaigdigang komunidad

86. Binagong Help Center

Madaling paraan para gamitin ang Help Center na may suporta para sa mga bisita at host.

87. Mahuhusay na solusyon

Nakakatulong ang iniangkop na patnubay sa mga bisita at host na malutas ang mga isyu.

88. Mga notipikasyon sa pagbabayad

Nasa iisang madaling hanaping lokasyon na ngayon ang lahat ng notipikasyon sa pagbabayad ng bisita.

89. Mga na-update na sanggunian para sa kaligtasan

May 30 segundong linya ng suporta at naka-embed na pagsasalin sa maraming wika ang tulong sa biyahe.

90. Isinalokal na impormasyong pang-emergency

Isinalokal na impormasyon ng serbisyong pang-emergency para sa sunog, pulisya, at EMT sa karamihan ng rehiyon.

91. Higit pang agarang suporta

Nag-aalok na rin ngayon ng agarang suporta sa biyahe sa daan-daang wika.

92. Itinalagang linya ng Superhost

Nakatuong suporta para sa mga Superhost—magsisimula sa North America at sa buong mundo pagkatapos.

93. Suporta sa Lider ng Komunidad

Bagong pangunahing suporta para sa mga Lider ng Komunidad ng mga Host.

94. Tulong sa biyahe

Mas mainam na paraan para suportahan ang mga bisita at host sa panahon ng biyahe.

95. Pangkalahatang paghahanap

Maghanap sa lahat ng produkto ng suporta ng Airbnb para mas mabilis na mahanap ang sagot.

96. Awtomatikong suporta

Nakasaad sa mga artikulo ng tulong ang tamang impormasyon, kapag kinakailangan ito.

97. Patnubay sa paglutas ng isyu

Tulong para malutas ang mga isyu sa biyahe tulad ng mga sira o hindi mahanap na amenidad.

98. Hub ng patakaran ng komunidad

Mga mas malinaw at pinasimpleng patakaran sa iisang lokasyon sa loob ng Help Center.

99. Mga tool sa Bagong Portal ng Lungsod

Mga bagong tool para tulungan ang mga opisyal ng lungsod na pangasiwaan ang mga patakaran at regulasyon sa panandaliang pagpapatuloy.

100. Mga update sa pagtutol sa review

Bagong patakaran na pinapayagan ang mga Host na tutulan ang mga review na iniwan ng mga bisitang lumabag sa aming pagbabawal na mag-party.

101. Mas maraming ahente ng suporta

Pinarami namin nang 2x ang aming staff sa pandaigdigang suporta para mas mahusay na mapaglingkuran ang ating komunidad.

102. Suporta sa higit pang wika

Pinalawak namin ang aming saklaw ng suporta mula 11 hanggang 42 wika.

103. Mga sanggunian ng host

Nagbibigay ang bagong menu ng Host ng direktang access sa suporta, mga listing, katayuan ng Superhost, at higit pa.

Maaaring hindi maging parehas ang release at availability ng feature batay sa lokasyon.